Josh Howard ini-waive ng Wolves

MINNEAPOLIS -- Umpisa uli sa simula ang 32-gulang na si Josh Howard matapos makabalik sa kanyang dating porma makaraang bumangon mula sa kanyang napunit na ACL sa kaliwang tuhod.

Ini-waive ng  Timberwolves si Howard nitong Martes matapos makita sa MRI ang napunit na ACL sa kanang tuhod.

Na-injury siya nitong Biyernes sa New Orleans.

Umasa ang team na makakabalik siya ngayong season ngunit muling minalas ang Wolves nang matanggap ang masamang balita.

“I feel really bad for him,’’ sabi ni coach Rick Adelman bago ang laro ng Wolves kontra sa Oklahoma City Thunder. “He worked so hard to bring himself back. It’s just a shock.’’

Kinuha si Howard noong nakaraang buwan makaraang magka-injury si Chris Budinger sa kaliwang tuhod.  Nag-average siya ng 6.7 points at 3.3 rebounds sa 11 games ngayong season para maging mahalagang defender sa perimeter.

 

Show comments