TORONTO -- Nag-alok si Toronto forward-center Andrea Bargnani ng opinyon tungkol sa Raptors kung saan sinabi niya sa isang Italian newspaper na ang koponan ay “pretty much the worst team in the NBA.”
Ang first overall pick ng 2006 draft na si Bargnani ay hindi naglalaro bunga ng kanyang torn ligament sa kanyang siko at strained right wrist.
Nagkaroon siya ng injury nang bumagsak matapos ang tangkang slam dunk sa kanilang pagkatalo sa Portland Trail Blazers.
Tatlong linggo ang ipapahinga ni Bargnani.
Anim na sunod na kabiguan ang nalasap ng Raptors at may 4-19 record.
Nasa ilalim ng Toronto ang Washington (3-16) sa NBA standings.
Sinabi ni Bargnani sa La Gazzetta Dello Sport ng Italy na ang panimula ng Toronto ay “tragic” at “a desperate situation.”
Ayon kay Raptors coach Dwane Casey, kakausapin niya si Bargnani tungkol sa pahayag nito.