Gasol trade offers tinanggihan ng Lakers

LOS ANGELES --- Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay naupo sa bench si center Pau Gasol para sa Los Angeles Lakers habang pinapagaling niya ang tendinitis sa magkabilang tuhod.

At may mga espekulasyon na plano ng Lakers na dalhin sa ibang koponan ang Spaniard player.

Sinabihan na noon ni Lakers general manager Mitch Kupchak ang mga representative ni Gasol na plano nilang i-trade ang 32-anyos na four-time All-Star kung hindi niya magagamayan ang uptempo spread pick-and-roll system ni coach Mike D’Antoni.

Ayon sa sources ng ESPN.com, pinilit ng Toronto Raptors at Minnesota Timberwolves na sumama sa usapan sa Lakers para sa trade.

Subalit patuloy na sinasabi ng Lakers na hindi nila maite-trade si Gasol hanggat hindi nakukumpleto ang line-up ng L.A. na hinihintay ang pagbabalik ng nagka-injury na si point guard Steve Nash.

Kabilang sina forward Andrea Bargnani, veteran point guard Jose Calderon at Linas Kleiza na handang ibigay ng Toronto sa Lakers para makuha si Gasol.

 

 

Show comments