Viloria guest sa PSA

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni unified world flyweight champion Brian Viloria at ng partido ni Manny Lopez na maghahangad ng puwesto sa darating na Philippine Olympic Committee elections ang mga panauhin sa PSA Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Ilalahad ni Viloria ang kanyang plano bilang World Boxing Organization and World Boxing Association flyweight champion matapos umiskor ng isang 10th round technical knockout kay Hernan `Tyson’ Marquez.

Tatalakayin naman ni Lopez at ng kanyang mga kasama ang kanilang plataporma at programa sa kanilang pakikipagtapatan sa grupo ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco sa Nov. 30 POC poll.

Bibisita rin ang mga UAAP officials na sina NU president Nilo Ocampo at secretary treasurer Junel Baculi para sa second semester ng UAAP.

Dadalo rin si Universal Reality Combat Championship (URCC) founder Alvin Aguilar at ang mga partisipante sa PCA Open na sina Niño Alcantara, Jeson Patrombon, Johnny Arcilla at national coach Roland Kraut.

 

Show comments