Come-from-behind win ng Ginebra

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi mas-yadong nagamit sa endgame sa 97-90 na come-from-behind win ng Barangay Ginebra kontra sa Rain or Shine noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, naka-18 puntos pa rin si Mark Caguioa.

Narito ang mga bagay-bagay ukol sa larong ito.

*Nagtala lamang ng 6-of-18 shooting sa field ang reigning league MVP pero naging second leading scorer para rin ito sa kanyang koponan, sumunod lamang sa 20 ni LA Tenorio.

*Mas mataas din ang iniskor ni Caguioa sa leading scorer ng Elasto Painters na si Jervy Cruz na may 17 lamang.

Pero ang 18 puntos na iyon ay naging sapat na para kay Caguioa upang  umangat sa No. 26 sa all-time scoring list ng PBA at lagpasan si Ato Agustin na may 7,979 career points. Eksaktong may 7,980 puntos na sa kanyang career si Caguioa pagkatapos ng 18 niyang iyon laban sa Rain or Shine.

*Ang susunod na puntiryang lagpasan ni Caguioa ay ang nasa No. 25 na si Rudy Distrito, dating naging player din ng Ginebra, na may 8,074.

*Si four-time MVP Ramon Fernandez ang may pinakamaraming naiskor na puntos sa buong kasaysayan ng liga sa kanyang 18,996 points sa loob ng 20 seasons.

Sa mga active players, si Caguioa ay sumusunod lamang sa 8,094 career points ni Willie Miller ng Globalport. Nag-average si Ca-guioa ng 17.3 points per game sa kanyang unang 10 seasons sa PBA.

Show comments