Bynum out indefinitely

PHILADELPHIA  -- Matatagalan na naman ang debut ni Andrew Bynum sa Philadelphia 76ers.

Sinabi ni General manager Tony DiLeo nitong Sabado na out indefinitely si Bynum at walang eksaktong timetable kung kailan ang unang laro para sa team ng All-Star center na nakuha mula sa Los Angeles Lakers sa four-team trade bago magsimula ang season.

“We don’t know when he’ll be back,’’ sabi ni DiLeo. “Only Andrew’s body can answer that question. When he feels better, we can step up the rehab program. We just have to wait to see how he reacts to the rehab.’’

Nagrerekober si Bynum mula sa nagasgas na buto sa kanyang kanang tuhod at umaasa ang Sixers  na papayagan na ito sa  basketball activities sa Dec. 10.

Ngunit nagka-injury naman ang kanyang kaliwang tuhod sa pagbo-bowling, dalawang linggo na ang nakakaraan  at lalong tumagal ang kanyang pagbabalik sa court.

Show comments