BANGKOK – Matapos ang 1-2 kabiguan sa host Thailand noong Sabado ng gabi, sasagupain naman ng Philippine Azkals ang bigatin ding Vietnam bukas sa Group A ng AFF Suzuki Cup dito sa Rajamangala Stadium.
Nakatakda ang laban ng Azkals at Vietnam sa ganap na alas-5:30 ng hapon.
Sinorpresa ng Azkals ang Vietnam sa semifinal round ng Suzuki Cup noong 2010 na siyang naging simula ng pamamayagpag ng koponan.
Haharapin ng Azkals ang mga Vietnamese na wala si German head coach Michael Weiss na napatawan ng one-game suspension dahil sa pagbato ng bola kay Anucha Kitpongsri malapit sa kanilang bench.
Kasama ng Azkals sa Group A na tinatawag na ‘Group of Death’ ang Thailand (3 points), Myanmar (1 point) at Vietnam (1 point).
“We’re always bringing in players from Europe but that does automatically mean we’ll beat a strong team like Thailand at their homefield. I think we’ll get into good rhythm in the match against Vietnam and I’m pretty sure we’ll have a very good chance to advance to the second round,” sabi ni Weiss.