CEBU, Philippines - Inaasahan ng Philippine Football Federation technical director at dating National coach na si Aris Caslib na may pag-asa ang Azkals sa semifinals ng AFF Suzuki Cup na magsisimula sa Sabado kum-para sa dating koponan na kumampanya noong 2010.
“Mas maganda ang team natin ngayon, mara-ming variations, ang options maganda. Tingnan na lang natin kung paano ima-manage,” sabi ni Caslib.
Una nilang makakalaban sa group stage ang Thailand, Vietnam at Myanmar sa Nov. 24-30 sa Bangkok simula nga-yong Sabado.
Dumating ang Azkals sa Thai capital kahapon hangad na puliduhin pa ang kanilang laro bago simulan ang kanilang kampanya kontra sa Thais sa Sabado.
Kasamang lalaban sa group stage sina Joshua Beloya, Ian Araneta, Jeff Christians, Marwin Angeles, Nestorio Margarse, Phil and James Younghusband, Jason de Jong, Juani Guirado, Anton Gonzales, Chieffy Caligdong, Denis Wolf, Patrick Reichelt, Demit Omphroy, Chris Greatwich, Ed Sacapano, Misagh Bahadoran, Carli de Murga, Ray Jonsson, Jason Sabio, Rob Gier, at Ref Cuaresma.