^

PM Sports

Reyes minultahan ng P10K sa pagsampal kay Abueva

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatawan ng Flagrant Foul-Penalty One kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud si Rob Reyes at mi­nultahan ng P10,000 matapos ang ginawang pag-review sa insidenteng kinasangkutan ng Express forward at ni Alaska rookie Calvin Abueva sa 1:04 sa fourth quarter ng kanilang laro noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ay mula sa isang statement ni Salud na ni-release sa pamamagitan ng text message kahapon ng PBA Media Bureau.

“While the illegal acts escaped the attention of game officials resulting in a non-call, I am exercising the Commissioner’s authority to sanction players who upon playback and review, are deemed to have com­mitted a dangerous play or a rough and unsporstman­like tactic that was undetected in the course of the game,” pahayag ni Salud na nauna nang sinuspindeng si PBA referee Jimmy Mariano na siya umanong may ju­risdiction sa nasabing insidente.

Ginantihan ni Reyes si Abueva sa pamamagitan ng pagsampal sa mukha nang nakadapang rookie ma­­tapos siyang hinatak sa jersey pabagsak ng court sa isang loose ball scramble. May ginawa pa itong trashtalking at taunting sa rookie pagkabaon nito at bu­malik sa kanilang court.

“Reyes’ acts are aggravated by the fact that they were unnecessarily committed when play had already shifted away from both players,” dagdag ni Salud.

Tabla ang iskor 102-all nang nangyari ang insidente sa larong napanalunan ng Express kontra sa Aces, 104-103.

ABUEVA

CALVIN ABUEVA

COMMISSIONER CHITO SALUD

FLAGRANT FOUL-PENALTY ONE

GINANTIHAN

JIMMY MARIANO

MEDIA BUREAU

REYES

ROB REYES

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with