LOS ANGELES - Natikman ng four-time NBA champions San Antonio Spurs ang kanilang unang kabiguan sa season, habang nagpamalas naman ng mga high-flying dunks ang Los Angeles Clippers para sa kanilang 106-84 panalo.
Binanderahan ni two-time All-Star Blake Griffin ang panalo ng Clippers mula sa kanyang game-high 22 points at 10 rebounds.
Humakot naman si Clippers center DeAndre Jordan ng 20 points at 11 rebounds, samantalang nag-dagdag si back-up guard Eric Bledsoe ng 15 points at may 12 si Matt Barnes.
“Tonight we were so successful because of our defense,” ani Clippers point guard Chris Paul, nagposte ng 10 points at 12 assists. “One thing we said before we ran out tonight was, ‘Let’s just have fun out there.’
Pitong players ng Clippers ang umiskor ng double figures para tapusin ng home team ang kanilang two-game losing skid.
Tumipa si guard Danny Green ng tatlong three-pointers para sa kanyang 12 points sa Spurs, habang may 10 si veteran forward Tim Duncan.
Sa Salt Lake City, tinalo ng Utah Jazz ang Los Angeles Lakers, 95-86, tampok ang 18 points ni Al Jefferson at 17 ni guard Randy Foye.
Tumapos si Kobe Bryant na may 29 points, ang 16 dito ay ginawa niya sa fourth quarter.