17th Asia Masters Athletics Championships Gold uli kina Lavandia, Bulauitan
CHINESE-TAIPEI-- Pinitas nina Erlinda Lavandia at Lerma Bulauitan-Gabito ang kani-kanilang ikalawang gintong medalya sa apat na nakamit ng Team Philippines sa 17th Asia Masters Athletics Championships sa Taipei City Sports Park.
Binasag ni Bulauitan-Gabito ang marka ni Elma Muros-Posadas sa long jump event sa women’s 35-39 years old mula sa kanyang nilundag na 5.50 meters.
Ang naburang rekord ni Muros-Posadas ay 5.32 meters sa Bangkok noong 2004.
Kinuha naman ni Lavandia ang ginto sa hammer throw sa women 60-64 years old mula sa kanyang hagis na 9.54-meters.
Tinalo niya para sa gold medal sina Hiroko Sato ng Japan (7.78m) at Athar Kasumung ng India (6.74).
Nakakuha naman sina Aurora Ramos at Emerson Obiena ang gold medal sa long jump event sa women 50-54 years old at pole vault sa men 45-49 years old, ayon sa pagkakasunod.
Maliban sa apat na gintong medalya, dalawa pang pilak ang nakuha ng koponan para sa kabuuang 7 gold, 7 silver at 3 bronze medals.
Hindi naman lumahok si Elma Muros-Posadas sa long jump at maging sa 200-m run at 4x100 relay dahil sa kanyang hamstring injury na nangyari sa kanyang sinalihang 80m hurdles sa women 45-49 years old noong Linggo.
Si Muros-Posadas ay papalitan ni Lorna Vejano sa relay team na kinabibilangan nina Ramos, Perla Lobos at Salve Bayaban.
- Latest