^

PM Sports

Parker isinalpak ang buzzer-beater: Spurs tinakasan ang Thunder

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Isi­nalpak ni Tony Parker ang isang buzzer-beating jum­per kasunod ang kanyang pagdiriwang.

Naiwan naman si Ke­vin Durant sa ilalim ng bas­ket at hindi makapani­wa­la sa nangyari. 

Ikinonekta ni Parker ang isang 21-footer sa pag­tunog ng final buzzer pa­ra ilusot ang San An­to­nio Spurs kontra sa Ok­lahoma City Thunder, 86-84, sa rematch ng na­ka­raang Western Confe­rence finals.

Hinabol siya at tinangkang supalpalin ni Serge Iba­ka, ang NBA leading shot-blocker sa nakaraang sea­son, ngunit nasalpak ni Parker ang kanyang jum­per.

“I was like, I have to shoot fast,” wika ni Par­­ker sa kanyang pag-iwas sa mga galamay ng 6-foot-10 na si Ibaka. “He was coming very fast.”

Naglista naman si Tim Dun­can ng 20 points at 8 re­bounds para sa Spurs, ha­bang tumapos si Parker na may 16 points at 11 assists.

Ang tres ni Parker sa hu­ling 28.4 segundo ang nag­tabla sa laro sa 84-84.

Nagposte si Kevin Du­rant ng 23 points at 14 re­bounds para sa Oklaho­ma City, habang may 18 points si Russell Westbrook.

Ang turnover ni West­bro­ok sa kanilang poses­yon sa natitirang 5.9 segundo ang nagbigay ng tsansa kay Parker at sa Spurs.

“We lost him. We didn’t get him in time, but he still made a tough shot over Serge,’’ ani Thunder coach Scott Bro­oks kay Parker. “It’s not an easy hand to shoot over.’’

Matapos pakawalan si Ja­mes Harden sa Houston, natikman naman ng Oklaho­ma City ang ka­nilang unang kabiguan.

Sinimulan ni Durant ang kanyang pang anim na NBA season bilang ika­lawang pinakabatang pla­yer matapos si LeBron Ja­mes ng Miami Heat na nakaiskor ng 10,000 career points.

CITY THUNDER

KEVIN DU

MIAMI HEAT

OKLAHO

PARKER

RUSSELL WESTBROOK

SAN AN

SCOTT BRO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with