Oktubre 23, 2013

AKIT SUWERTE: Para mabago ang buhay, magdesisyon na ilagay sa isip na masaya ka sa buhay mo.

 

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) Tarot Symbol:       Turning In –  Sa pagtuklas ng kalooban, maa-appreciate mo ang mga bagay na mayroon ka na. Suwerte sa kulay pili nut brown. Lucky numbers ay 14, 46, 44, 37, 39 at 27. Tumaya sa lotto bandang 11:00 a.m.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) Tarot Symbol: Control – May control ka sa  iyong pag-iisip. Mag-focus sa mabubuti at masayang bagay sa buhay. Suwerte sa kulay sapphire blue. Lucky numbers ay 42, 31, 44, 24, 33 at 39. Tumaya sa lotto bandang 3:38 p.m.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) Tarot Symbol: Maturity – Magagamit mo ngayon ang batas ng pag-akit. Suwerte sa kulay plum. Lucky numbers ay 11, 20, 17, 22, 29 at 25. Tumaya sa lotto bandang 8:41 a.m.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) Tarot Symbol: Compromise – Mararanasan ngayon kung ano ang iyong mga naiisip. Suwerte sa kulay sky blue. Lucky numbers ay 14, 33, 18, 12, 44 at 22. Tumaya sa lotto bandang 3:36 p.m.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Tarot Symbol: Exhaustion – Pagod ka na sa paulit-ulit na pagsubok. Suwerte sa kulay lavander. Lucky numbers ay 30, 14, 38, 22, 33 at 26. Tumaya sa lotto bandang 9:44 a.m.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tarot Symbol: Understanding – Mauunawaan mo na nga-yon ang mga misteryosong kaalaman. Suwerte sa kulay purple. Lucky numbers ay 44, 38, 32, 17, 25 at 33. Tumaya sa lotto bandang 3:39 p.m.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Tarot Symbol: The Miser – Mapipigilan ang masaganang daloy ng buhay dahil sa iyong pagkakuripot. Suwerte sa kulay turquoise blue. Lucky numbers ay 31, 12, 33, 22, 25 at 28. Tumaya sa lotto bandang 10:34 a.m.

TAURUS (Abril 20 -  Mayo 20) Tarot  Symbol: Slowing Down – Mas maaayos mo ang gawain kapag dahan-dahan at maingat mong ginagawa ang mga ito. Suwerte sa kulay apricot orange. Lucky numbers ay 44, 40, 20, 22, 30 at 18. Tumaya sa lotto bandang 2:20 p.m.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) Tarot Symbol: Integration – Mas maraming masaganang pangyayari ang mararanasan ngayon. Suwerte sa kulay wine red. Lucky numbers ay 33, 44, 46, 37, 31 at 36. Tumaya sa lotto bandang 10:00 a.m.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) Tarot Symbol: Celebrations – Mas maakit ang masayang buhay kapag ipagdiriwang ito. Suwerte sa kulay mocha brown. Lucky numbers ay 11, 33, 22, 50, 25 at 42. Tumaya sa lotto bandang 1:13 p.m.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) Tarot Symbol: Cli­nging To The Past – Magpa-aura cleansing para maalis ang sumpa ng kabiguan sa pag-ibig at maka-move-on ka na. Suwerte sa kulay violet. Lucky numbers ay 44, 29, 33, 22, 42 at 41. Tumaya sa lotto bandang 4:45 p.m.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) Tarot Symbol: Completion – Nabuo mo na rin sa wakas ang iyong grupo. Suwerte sa kulay sun yellow. Lucky numbers ay 15, 27, 22, 33, 35 at 44. Tumaya sa lotto bandang 2:22 p.m.

 

Show comments