Kung dati ay hirap na hirap ang magulang na pauwiin ang anak sa bahay. Ngayong pinapatupad ang home quarantine dahil sa paglaganap ng coronavirus walang choice ang anak kundi ang manatili sa loob ng bahay.
Importante na ipaliwanag sa anak kung bakit mayroong pinatutupad na home quarantine. Madalas ay hindi dahil sa matigas ang ulo ng anak, nagkataon lamang na nasanay silang busy at wala sa bahay, kaya tumatakas na umalis ng tahanan. Pero dahil sa biglaang pagbabago ng routine, ang tendency ay ma-overwhelm ang anak.
Ang problema ay kung paano hahayaang maging busy ang mga anak para hindi mainip sa loob ng bahay. Dati gusto ng magulang na maging aktibo ang anak sa labas ng bahay, but this time kailangang mag-isip ng mga activities para may gagawin ang anak.
Hindi lamang puro paglalaro sa kanilang cell phone ang inaatupag ng anak. By this time walang kawala ang anak na tumulong sa gawaing bahay. Maraming oras din para makausap ang anak at maka-bonding. Magpatulong sa mga anak kung magluluto si nanay. Tiyak sa haba ng bakasyon ay marami nang putahe ang matutunan ng anak kay mommy. Gawing safe lamang ang proseso ng pagluluto. Oras na encourage ang mga bata o teenagers na magbasa ng kanilang libro. Ngayon din ang time na hamunin ang anak na i-practice ang kanilang skills at talent. Lalo na kung ang anak ay mahilig kumanta, maggitara, tumugtog ng piano, mag-drawing, magpinta, at ibang hilig na gustong gawin ng anak.
Kahit nasa loob ng bahay ang mga anak ay hindi ibig sabihin na hindi na sila magiging productive. Bagkus ay gamitin ang pagkakataon na maging positive pa rin na ma-train ang mga kahinaan ng anak maging sa academic gaya ng kung mabagal pang magbasa ang anak o hindi niya hilig ang books. Gamitin ang pagkakataon na ma-polish ang kanyang math skills dahil sa mahina ang anak sa numero.
Imagine sa loob ng dalawang buwan, hindi natin namamalayan na matatapos din ang problema ng bansa patungkol sa COVID-19 at maging sa buong mundo. At least ay naging progresibo pa rin ang anak kahit nasa loob ng bahay.
Hindi nila mararamdamang nakakulong sa bahay, bagkus ay pagkakataon na may maraming oras para sa kanilang sarili na matulog, magpahinga, at palakasin ang immune system ng pamilya.