Zombie family (382)

“ANO ka ba, ama ka ng mga anak natin. At noong … nagsama tayo, wala kang ipinakitang masama sa amin, sa akin. Nagmahal ka rin ng iba pero, hindi mo naman kami pinabayaan. At… nagalit noon si Marga kasi … you always make her feel just the other woman. Inuuna mo ako. I mean, hindi ko naman ipinagmamalaki ‘yon. But I guess, kahit sinong asawa, kahit nagloko ‘yung husband pero ramdam na ramdam niyang siya pa rin ang mas mahal … magiging masaya pa rin.”

Hindi nakasagot si Herman.

Pagtingin ni Laurice sa mga mata ng asawa, kita niya ang mga butil ng luha.

“Herman, ngayon lang kita nakitang umiyak.”

Parang napahiyang nagpahid ng mga luha si Herman. “I … was so touched of what you said. Napakabuti mo talaga. Niloko na kita, nambabae ako, nagkaanak pa ng dalawa pero pinatawad mo ako. At hanggang ngayon, mahalaga pa rin ako sa iyo. Kahit pa may isang Nikolai na mahal na mahal ka. And very deserving ng love mo.”

Napailing si Laurice. “Pero wala na siya, ni hindi natin alam kung nasaan siya.”

“Maaring siya ‘yung lalaking flying zombie.”

Si Laurice naman ang halos maiyak. “Nanghihinayang lang ako sa kanya kasi maayos siyang tao. Puwede siyang maging kapaki-pakinabang sa sosyedad. Para ring ikaw, Herman. He is always willing to help anybody and everybody. Kahit pa itatapat ang buhay niya.”

“Alam ko. Hindi naman ako papayag sa hiniling niya na susubukin niya to win your heart habang busy ako sa advocacy ko, mga mababait nang body parts ni Marga, kung hindi ko nakita ang napakaayos niyang pagkatao, Laurice.”

Napangiti na lang si Laurice. “Naku, ano ba ‘yan? Masyado na tayong sentimental? ‘Di ba sabi ko, buo tayo ngayon, so maging masaya na tayo. Kasi ang mga bata, masaya rin na okay naman tayo.”

“Okay, so … dinner na. Para mas masaya!”

“Tatawagin ko na mga anak natin, I’m sure nag-aaral pa rin ang mga ‘yon, naghihintay lang ng call for dinner.”

“O, tayo nang dalawa ang tumawag.”

“Sige.”

WALANG mauuwian si Leilani.

Wala pa rin siyang pera. Nagsisimula pa lang siyang dumikit sa napakayamang si Joselito Comendador. Kaya naisipan niyang matulog muna sa sementeryo, sa isang musuleyo roon.  - ITUTULOY

Show comments