Ate nasusuklam sa mga lalaki

Dear Vanezza,

Naalarma ako sa sinabi ng anak ko na ayaw niyang mag-asawa, gusto na lamang niyang magkaanak. Pare-pareho lang daw ang mga lalaki tulad ng mga pinsan niya sa Dubai na kasama niya sa trabaho. Kahit may asawa sa ‘Pinas, pero nagloloko sa ibang bansa. Nadidismaya ang anak ko na nagiging man hater. Ano ba ang dapat kong gawin bilang nanay? – Louny

Dear Louny,

Paliwanagan ang anak na maghintay ng tamang lalaki tulad ng tatay niya at hindi katulad ng mga pinsan niya. Sa isang banda ay mag-iingat ang anak na kilalanin muna ang lalaki bago niya ito sagutin.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments