Mga bungo, mga sinaunang gamit na pang-torture, madudugong gloves, mga iba’t ibang paraan ng pagpatay, death masks, mga kinakalawang na palakol – ilan lamang yan sa mga makikita sa loob ng Kriminalmuseum (criminal museum) na matatagpuan sa Vienna, Austria.
Ang museyo na ito ay hindi para sa mga mahihina ang loob. Ipinapakita rito ang paraan ng pagpatay at pagpaparusa noong middle age, magpahanggang ngayon.
Maaari itong mabisita sa isa sa mga pinakamatandang building sa Leopoldstadt area na kung tawagin ay Seifensiederhaus o Soap Boilers House na nakatayo na noon pang 1685.
Mahigit 20 kuwarto ang meron sa nasabing 324-year-old na gusali at nakalaan lang ito para sa Kriminalmuseum.
Hindi lamang tungkol sa murder ang laman nito, meron din ditong iba’t ibang uri ng mga kaso tulad ng pagnanakaw, pambubugaw at kung anu-ano pang ilegal na gawain.
Para naman sa mga non-German speaker, maaari silang mahirapan sa pamamasyal dito dahil ang mga instruction at informational sign ay nakasulat lamang sa wikang German.