Ang isa sa apektado ng coronavirus ay ang ating mga overseas Filipino workers na bumaba ang deployment dahil sa outbreak mula sa China at ibang bansa.
Hindi naman nagmamadali ang ibang OFW na umalis kahit pa nagbaba na ng travel ban sa Hong Kong, Taiwan, at Macau.
Sa isang banda ay naging mas maingat ang lahat at magkaroon ng precautions kung mayroon man kaso ng COVID-19 sa mga bansang pupuntahan.
Ang magandang balita ay binigyan ng suporta ng gobyerno ang mga ilang apektadong OFW habang naghihintay kung kailan sila ligtas na umalis at puwede nang bumalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa.
Pagkakataon din ito upang makasama ng OFW nang matagal ang pamilya sa bansa. Ang ganitong health issue sa buong mundo ay nagpapaalala sa lahat ng OFW at pamilya nito na mag-invest at mag-save ng pera sa future upang hindi tuluyang maapektuhan ang kabuhayan ng buong mag-anak sa mga hindi inaasahang problema. Dasal lahat ng OFW na maging ligtas sa kanilang trabaho at maging ang kanilang pamilya sa anomang banta ng kalusugan.