56 taon nang magkapiling

Marami sa atin ang tiyak na nakaka-relate sa sayang naibibigay ng pagkakaroon ng pet o alaga.

Marami sa atin ang paboritong mag-alaga ng aso, pusa, ang iba naman ay isda, ibon, rabbit at kung anu-ano pa.

Kadalasan, tumatagal ang buhay ng ating alagang aso ng hanggang 10 hanggang 15 taong gulang. Ang iba naman ay maikli lamang ang buhay tulad ng rabbit at hamsters.

Ngunit kakaiba naman ang istorya na aming ikukwento ngayon.

Taong 1962 nang makatanggap si Jeanna ng alagang pagong bilang regalo sa kanyang 10th birthday. Pinangalanan niya itong si George.

Bata pa lamang si Jeanna ay mahilig na siya sa mga pagong kaya naman ito ang naisip ng kanyang ama na iregalo sa kanya. Ibinigay ito sa kanya para matuto siya ng responsibilidad pero higit pa doon ang natutunan ni Jeanna.

Ngayon ay 56 years na silang magkasama. Kasama niya ito mula bata hanggang sa nagkaroon siya ng apo. Para kay Jeanna, inseperable na silang dalawa.

 

Show comments