Mahalagang naiintidihaan ng mga tao ang kanilang alagang hayop partikular na ang aso. Karamihan kasi ng mga amo ay hinuhulaan lang ang ibig sabihin ng kanilang alaga base sa ipinapakita nitong galaw.
Narito ang posibleng ibig sabihin ni “Bantay” base sa kanilang ginagawa:
Kapag kumindat ang inyong aso, ibig sabihin nito ay handa na siyang makipaglaro sa inyo. Pero kapag napapadalas ang kanyang pagkindat ay maaring indikasyon ito na may sakit siya.
Kadalasang humihikab si Bantay kapag siya ay napapalibutan ng malalaking aso na hindi niya kilala. Pero kapag humikab si Bantay pagkatapos mong humikab, ibig sabihing nito ay talagang malapit kayo sa isa’t isa at itinuturin ka niyang matalik na kaibigan o kapamilya.
Madalas bang humilata ang inyong aso at ipinapakita nila ang kanilang tiyan? Ang ibig sabihin lamang nito ay gusto niyang magpalambing sa inyo. Gusto niya rin sabihing nagtitiwala siya sa inyo. Kapag ginawa niya ito ay pinapayong himasin ang ka ilang tiyan bilang “pagtanggap” sa tiwalang kanilang ibinibigay.
Minsan na bang umupo si Bantay sa inyong mga paa? Cute ito kung iisipin pero actually, sensyales ito na sila ay kinakabahan o natatakot. Lumalapit sila sa inyo para mas maging safe at malayo sa panganib.