Bagama’t high tech na ang panahon, ang magulang ay may pag-aalala patungkol sa gadgets na ginagamit ng mga kabataan dahil sa apektado ang kakayahan ng anak na makapokus at magkaroon ng tagumpay sa kanilang pag-aaral. Kaya mahigpit ang pagbabawal ng mga parents na huwag gumamit ng cell phone o computer.
Para mapigilan ang anak na maglaro ng video games o gumamit ng Internet ay nakabantay si nanay na i-turn off ang broadband kapag nasa bahay ang mga anak.
Ang hindi naiintindihan ng magulang ay ‘di problema ang technology kundi ang pag-enforce ng rules kung kailan lamang dapat hawakan ang cell phone ng anak.
Sabi ng mga experts, ang pag-turn off ng Internet o pagbibigay ng strict rules ang solusyon sa problema kundi kung paano maturuan ng anak na i-deal ng bata ang kanilang distractions.
Mayroon ding psychological na pangangailangan ng anak na kapag hindi napunuan ay hindi magiging balanse ang needs ng bata. Maaaring nangangamba ang magulang sa pagbibigay ng kalayaan sa paggamit ng gadgets. Ang totoo ay mas matutunan ng anak na i-budget ang kanyang oras sa pamamagitan ng mga rules na kung kailan lamang dapat mag-video games ang anak.