Ayaw na sa Toxic na Nobyo

Dear Vanezza,

Gusto ko nang makipag-break sa BF ko na ubod ng seloso. Lahat na lang pinagseselosan. To the point na nauuwi na sa away ang diskusyon naming. Pati professor at barkada ko. Gusto ko nang makalayaw sa toxic na relasyon. Ano ba ang gagawin ko? – Jennie

Dear Jennie,

Huwag nang magsayang ng oras sa ganyang BF. Bagkus ay tigilan na ang communication sa kanya. Hindi kailangan ng closure, tiyak na naiintindihan na niyang ayaw mo sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments