^

Para Malibang

Mental Quicksand

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Lahat ay feeling na na-trap sa boring na routine na parang wala ng daan para makalaya.

Kadalasan ang kasunod na nararamdaman ay bumaba ang energy, magkaroon ng bad mood, at feeling na wala kang magagawa. Ang iba ay idinadaan na lang sa kain na naghahanap ng comfort food sa nararamdamang pagod o pagkabagot.

Parang mental quicksand na the more na naghahanap ng paraan na makaahon, mas lalo ka namang nababaon sa kumunoy na iyong nararanasan.

Ano nga ba ang best na daan palabas? Katulad uli ng kumunoy na laging may emotional challenge kaysa sa physical na hamon.

Ang technique ay sumabay sa agos na hinay-hinay rin sa pag-iisip para ma-assess ang desisyon kung tama ba ito. Saka umaksyon ng dapat gawin. Aminin sa sarili kung kailangan mo ng tulong at paano.

Huwag nang magpadala pa sa nakaraan. Sa pagi­ging emotional ay nakakalimutan ang kailangan dapat na desisyon o choices. Sa huli ay saka nagpa-panic at sinisisi ang sarili.

Ang totoo, ang lahat ng mga options ng buhay ay hindi gusto, pero kailangan nating mamili. Araw-araw ay puwedeng maging best friend o maging worst enemy. Ang nakakapagod ay mas pinipili natin ang huli.

Puwede namang humarap sa salamin na aminin na maaaring  mahirap ang pinagdadaanan sa ngayon. Pero marami pa ring maaaring gawin kung ano ang idinidikta ng katawan. Puwedeng maglakad-lakad at magpahinga upang makapag-recharge muli na harapin ang mga responsibilidad ng buhay. Gamitin ang moment na tanungin ang sarili kung ano ang mga realistic at reasonable na option ang dapat ay dahan-dahang gawin.

Upang unti-unti ring makaahon sa kumunoy at magsimulang mag-build up muli ng mga goals at pangarap para sa tagumpay na iyong hinahangad.

QUICKSAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with