Kailangan bang i-date ang asawa?

“Hindi naman kailangan maghintay pa ng Valentine’s Day para lang i-date kaming mga misis. Kundi kahit isang beses sa isang buwan na masolo uli namin ang isa’t isa ay sapat na sa amin.” - Vangie, Manila

“May mga misis na hindi naman nagre-request sa mamahaling restaurant. Aba eh window shopping lang na samahan ako ng hubby ko kahit saan okey na ako.” - Bheng, Manila

“Iniisip ng mga lalaki gastos lang yan. Kung walang budget okey kahit sa bahay basta kasama ko lang mister ko, masaya na ako!” - Jane, Malate

“Dapat turuan ang mga mister na kailangan ligawan araw-araw kaming mga misis na forever nilang gf. Ano ba naman ituring kaming reyna ng tahanan di ba at i-date minsan!” - Ga, Malabon

“Huwag nang mag-date. Bigyan lang ako ng mister ko ng pang-shopping at pa-parlor.
solve na ako dun! Minsan kasi kill joy ang mister ko sa ganyan. Kaya bigyan na lang niya ako ng budget para sa sarili ko. Okey na ako!”- Grasya, Bacolod

 

Show comments