Misteryosong matanda madalas magpakita sa lumang mansyon!
Ang Don Roman Santos House ay dating kilalang atraksyon sa Navotas, itinayo ito noong 1917 na kilala rin sa maganda nitong disenyo.
Makalipas ang 85 taon, napagdesisyunan ng mga sumunod na henerasyon ng mga Santos na ilipat ng unti-unti ang kanilang ancestral house sa lugar ng Antipolo.
Kahit na pira-pirasong ginawa, napanatili ng mga ito ang orihinal na hitsura ng bahay na may tatlong palapag.
Ang pangalawang palapag nito ay may napakalaking sala at kainan para sa mga bisita. Sa pangatlong palapag naman nito na torre kung kanila’y tawagin makikita ang mga silid-tulugan at malaking balkonahe.
Noong 1944, nagsilbing kuta ng mga Hapon ang Don Roman Santos House. Ang sala ang kanilang courtroom, habang ang torre naman ang ginawa nilang torture chambers para sa mga taong kanilang nahuhuli.
Ayon sa mga kuwento-kuwento, isang misteryosong matanda raw ang madalas makita sa isa sa mga silid ng nasabing mansyon.
Noong minsang nagbabasa raw ng libro ang isa sa mga anak ni Don Roman sa kuwarto nito, nakita ni Don Roman ang kanilang katulong na nakaluhod sa paanan ng kama ng anak. May hawak daw itong mahabang patpat at parang may tinutusok sa ilalim. Nang tanungin ni Don Roman kung ano ang ginagawa nito, ang sabi ng katulong ay meron daw matandang babae sa ilalim ng kama na ayaw umalis.
- Latest