Hubad na pictures, ikakalat ng ex bf

Dear Vanezza,

Nakikipagbalikan ang BF ko. Kung kailan ikakasal na ako sa foreigner na ka-chat ko ay saka siya sumulpot. Nagbabanta na ilalabas niya ang hubad kong pictures kapag nagpakasal ako. Natatakot ako sa puwede niyang gawin. Ano po ang dapat kong gawin? – Mel

Dear Mel,

Unahan ang puwedeng gawin ng iyong ex-bf. Magtapat agad sa iyong foreigner na BF. Upang ilabas man ng iyong ex-bf ang nude photos mo at least nasabi mo agad sa mapapangasawa mo. Huwag matakot, bagkus ay mag-report sa pulis upang mahuli agad ang ex-bf nang mawala ang pangamba at hadlang sa kasal mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments