Ang Bozouls village na matatagpuan sa Aveyron region, southern France ay mahigit sampung siglo nang nag-e-exist, nakapuwesto ito sa gilid ng canyon cliff na hugis sapatos ng kabayo.
Mula sa Hole Street o The Rue de Trou, makakapunta lamang ang mga bisita sa siyudad na ito sa pamamagitan ng pagdaan sa gilid kung saan may makapigil hiningang lalim na 328ft. Ang lawak ng nasabing higanteng butas na ito ay 1,312 ft wide.
Nakatago sa Bozouls ang greatest treasures ng Europe na Conques kung tawagin. Dito rin matatagpuan ang matandang sahig ng Templars o mas kilala sa tawag na Knights Templar.
Napapanatili ng nasabing siyudad ang ancient at Roman history nito.
Sa kasalukuyang panahon, mayroong mahigit na 3,000 katao ang nakatira sa ancient village. Libre lamang ang pagpunta rito. Puwede kang maglakad-lakad sa Hole Street nito habang humihigop ng kape.