Ang Pinoy fruit salad ay isa sa mga handa na hinding-hindi mawawala sa Kapaskuhan.
Bukod sa abot-kaya, simple lamang ang paggawa nito at tumatagal pa ng hanggang isang lingo depende sa mga ingredients na inyong inihalo. Mas maganda kung gagawin ang fruit salad isang gabi bago ang Noche Buena.
Sa recipe na ito, gagamit tayo ng canned fruit cocktail, all purpose cream, condensed milk, cream cheese at ubas para sa magkaroon ng crunchy texture.
INGREDIENTS:
1 can ng 60 oz ng fruit cocktail
2 250ml ng all purpose cream (mas masarap ‘yung nasa tetra pack)
1 8 oz ng cream cheese
1 small can ng condensed milk
½ kilo ng ubas
PARAAN NG PAGLULUTO:
Ilagay sa malaking salaan ang fruit cocktail hanggang sa maubos ang juice nito.
Sa malaking lagayan, pagsamahin ang all purpose cream, condensed at tinunaw na cream cheese.
Ilagay ang fruit cocktail at ubas saka ihalo nang mabuti.
Ilagay sa ref ng buong gabi para mas gumanda ang texture bago kainin. Burp!