Ang overseas Filipino workers ay hindi dapat magpapanggap na milyonaryo kung ‘di naman talaga.
Madalas ang mga kapitbahay ay may mentalidad na sobrang yaman ang tingin sa OFW kung panay ang bakasyon, kung lantaran magbigay pera, pag-give away ng bag na puno ng chocolates, at iba pang bagay ay ganun na lang magwaldas.
Maraming OFW na napipilitan na mag-abot na para bang obligasyon nito ang mangmudmod ng pera o pasalubong sa mga kamag-anak at ibang tao.
Ang pag-share ng blessings ay isang magandang gesture ng mga OFW na nakasanayan na rin ng mga umaasang kamag-anak at kapitbahay na maaambunan sila ng biyaya. Pero hindi naman kailangang extravagant na bongang ang pasalubong sa ibang tao. Tapos pagbalik sa abroad para magtrabaho ay magsisimula uling walang-walang ang OFW. Paano kung biglang nag-shut down ang pinagtatrabahuan o magtanggalan ng tao dahil sa problema sa opisina. O baka magkasakit na hindi na puwedeng magtrabaho uli.
Ang tanong ay kung ang mga kapitbahay, kaibigan, at kamag-anak na inaabutan ay tutulong ba financially sa pobereng OFW kapag dinapuan ng malas.
Maging wise sa kinikitang pera na mag-share lamang tama, huwag umastang milyonaryo dahil nauubos din ang biyaya sa maling pagwawaldas.