Nagre-recycle ka ba ng regalo?

“Ako hindi, kahit mabulok ang natanggap kong regalo sa cabinet ko. Never ko ginagawa yan. Bawat re­galong bigay sa akin ay tini-treasure ko.” - Mabel, Manila

“Naku minsan nung bata ako biglang dumating  yung inaanak ng tatay ko. Galing ng Saudi si tatay siguro naubos na ang pera niya. Yung magandang laruan na kotse ng kapatid ko kinuha ni tatay at ibinigay sa inaanak niya. Kaaliw ‘di ba?” - Bangie, Caloocan

“Hindi ako nagre-recycle. Bigay yun sa akin hindi ko matitiis na ibigay sa iba. Kahit pa walang makakaalam. Hindi kaya ng konsensya ko na mag-recycle.” -  Dale, Imus

“Minsan ginawa ko yun. Kasi kinapos ako sa budget, tapos kinulang ako sa regalo. Pero hindi ko na uulitin, maaga na akong nag-shopping ngayon.”

-Lornz, Makati

 

 

Show comments