“Hindi. Konti lang kaibigan ko kaya konti lang din ang natatanggap kong regalo. Siyempre lahat yun, tinatago ko. Saka baka mamaya makita ng nagregalo sa akin na ni-recycle ko yung regalo niya eh.” - Lhar, Manila
“Aminado ako riyan. Pero mostly ang pinamimigay ko lang na iniregalo rin sa akin yung mga common things na natatanggap. Like mugs, payong, at kung anu-ano pa. Hindi ko naman gusto mangolekta ng mugs. Kesa matambak lang sa bahay, eh ‘di ipangreregalo ko na lang ulit.” - Jayson, Laguna
“Depende po. May mga bagay na kahit ‘di ko ginagamit, kini-keep ko pa rin. Para sa akin wala naman masama roon. At least nakatipid ka saka yung gamit ay magagamit pa ng iba.” - Chard, Bataan
“Hindi. Parang nakakahiya kasi sa nagregalo. Alam mo yun... Nag-effort yung tao sa regalo niya then all of a sudden mapupunta sa iba. Kung sa akin ginawa yun, parang magtatampo ako.” - Elmo, Pasay
“Siyempre kung mamahalin yan ‘di ko yan ire-recycle. Pero yung mga regalo na lagi kong natatanggap tulad ng panyo. Okay lang na iregalo yun kasi hindi mahahalata.” - Juan, Manila