“Bilang tatay hindi ako pabor diyan siyempre kaya ko binigyan ang aking anak ng cell phone kasi para magamit niya sa emergency. Paano na lamang kung na-kidnap ang anak ko? Ang cell phone ay may GPS kahit papaano ay makatutulong ito. Hightech na ang mga masasamang tao ngayon kaya dapat sabayan na rin natin sila. Ano lamang ba ang makakatalo sa technology walang iba kundi ang technology rin.”- Ferds, Antipolo
“Depende yan. Maganda kung iba-ban nila sa klase pero ‘wag naman pagbawalan silang magdala ng cell phone kasi komunikasyon yan eh. Saka ang bata pag nasanay sa gadget, hahanapin nila yan. Puwedeng i-ban yung mga laruan tulad ng PSP/iPad. Pero ‘wag ang telepono.” - Nell, Parañaque
“Pabor ako riyan. Tumitigas ang ulo ng mga bata kakalaro sa gagdets. Ang bata ngayon ay mas matapang pa sa mga guro. Sila pa itong malakas ang loob na magpa-Tulfo. Maaga pa lang dapat ay putulin na nila ang kanilang mga sungay. Hindi puwede yan. Dapat ay magtanda sila.” - Anjo, Batangas
“50/50 ako riyan. Lalo silang magrerebelde. Siguro dapat ay may limitasyon. Hightech na po kasi ngayon. Ultimo ang ilang mga teacher ay gumagamit na rin ng gadget sa pagtuturo. Maganda rin na sumasabay tayo sa technology. ‘Wag magpapahuli, pero syempre, dapat lahat ay in moderation.” - Mayk, Manila
“’Yung mga gadget na hindi kailangan sa school dapat i-ban. ‘Wag naman ang phone dahil doon namin nakakausap ang aming mga anak. Sana maintindihan ‘yun ng mga nagsusulong dito. Uso ngayon ang mga batang nawawala.” - Lourd, Pasay