^

Para Malibang

Healthy na Relasyon ng Magulang at Anak

TINTA NG MASA - Pang-masa

Ang healthy na relasyon sa pagitan ng magulang at anak ay ang pondasyon ng personality ng anak, life choices, at behaviour nito.

Naaapektuhan din ang strength o kahinaan ng kanyang social, mental, at emotional health ng anak.

Ang anak na secure ang relasyon sa kanyang magulang ay natutunan nito na i-regulate ang kanyang sariling emosyon kahit sa gitna ng stress at  mahirap na sitwasyon. 

Maging ito ay sa kinabibilangan niyang sports team, sa kanyang pag-aaral, at pakikisalamuha sa mga classmates o friends nito.

Napo-promote rin ang mental, linguistic, at emotio­nal development ng bata.

Natutulungan din na magpakita ang anak ng optimistic at confident social behavior nito.

Ang healthy na involvement ng magulang at intervention nito sa araw-araw sa buhay ng anak ay nagbibigay nang matibay na pondasyon sa bata na mas maganda rin ang social at academic skills ng anak.

Ang secure attachment ay nagreresulta ng healthy na social, emotional, cognitive, at motivational deve­lopment sa anak.

Ang mga bata ay matutunan na magkaroon ng ma­tibay na solving skills sa anomang problema kung mayroong positibong re­las­yon sa magulang.

Kung mapapansin ang lahat ng banggit ay magiging kabaligtaran kapag walang maayos na komunikasyon ang magulang at anak.

 Lalo na kung ang magulang ay sobrang busy sa kanyang trabaho, mas marami pang oras ang mag-surf sa Internet, makipag-bonding sa mga amiga, at nakalimutang kamustahin o i-check man lang ang mga activities ng anak sa maghapon.

Hanggang hindi rin namamalayan na lumalaki na ang mga anak na hindi na-build ang simpleng komunikasyon.

Hindi na rin nakasanayan ng mga anak na mag-share ng kanilang saloobin. Masuwerte kung madaldal ang anak na marunong mag-express ng kanyang sarili.

Paano kung tahimik ang anak na hindi natutunan na ipahayag ang kanyang sarili, galit, emosyon, at iniisip.

Importante na gawing healthy ang relasyon ng mga magulang at anak, or else sa ibang tao ay maglalabas ng kanilang sama ng loob at sa malas ay mapasama sa maling kaibigan o barkada.

Kung nakasanayan na rin ng anak na hindi mag-share na nagkakaroon ng takot na maging pabigat kina nanay o tatay. Mas komplikado kung single mother na kulang ang oras para asikasuhin ang anak, pero nagiging daan din para maging malayo ang isa’t isa sa pagitan ng anak.

Kaya gaano man ka-busy ang schedule ay maglaan ng oras na makipag-bonding sa mga anak.

HEALTHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with