Hagupit ni kammuri

Sa pananalasa ng Typhoon Kammuri o Tisoy ay ipanalangin ang kaligtasan at proteksyon ng mga bata, matatanda, pamilya, at kababayan natin mula sa Catanduanes, Albay eastern na bahagi ng Camarines Sur, at northern na bahagi ng Sorsogon sa mga nasalanta ng Bagyong Tisoy.

Mula sa apektadong areas sa pagbagsak ng mga puno sa Legazpi City, Albay. Maraming pamilya ang naghihintay ng tulong sa mga evacuation centers.

Huwag natin kalimutan na pasalamatan ang mga kawani ng gobyerno na nag-effort upang siguraduhin ang kaligtasan ng marami nating kababayan na maging ligtas at protektado.

Patuloy na maging mapagmatyag na i-monitor ang kalagayan ng mga kababayan natin at higit sa lahat ay ipanalangin na matugunan ang kanilang abang kalagayan.

Makibahagi sa anomang tulong na maiaabot sa ating mga nasalantang kababayan. Upang mabilis na makabalik at makabangon sa hagupit ni Kammuri.

Show comments