Christmas bonus dapat bang hawakan ng asawa?

“Masama ba  kung hahawakan naming mga misis? Kaysa sa iba pa mapunta ang pera, saan pa ba namin gagamitin kundi para sa mga gastusin ng pamilya ‘di ba?” – Maricel, Bacolod

“Grabe naman!  Dapat bang pag-awayan yun?  Kapag pera ng mister ko, pera ko rin. Saka aminado ang mister ko na hindi siya marunong humawak ng pera, kaya ako ang naghahati ng budget namin. Kaya hindi big deal sa amin, dahil ako talaga ang humahawak ng pera namin kahit hindi Christmas bonus. “ –Michelle, Baguio

“Hindi ko ginagalaw ang bonus ng mister ko. Basta bigyan lang niya ako ng budget namin okey na ko run. Natutunan ko na magtiwala sa kanya na siya mismo ang mag-manage ng pera namin.” – Gab, Manila

“Reklamo ng mister ko kinukuha ko raw lahat ng pera niya. Masakit pakinggan yun ha. Kaya never ko nang ginagalaw pera niya. Basta mag-abot siya ng mga bayarin namin sa bahay.” – Mane, Tondo

“Sa amin ng mister ko, walang problema kasi pareho kaming share ng gastusin. Kaya yung bonus ng mister ko hindi ko pinapakialamanan may listahan naman kami ng bayarin. Para pareho naming nakikita kung saan napupunta ang pera naming mag-asawa.” – Bangie, Malabon

Show comments