Team work ng mag-asawa

Ang mga Pinoy ay addict sa larong basketball na patayan pati ang pag-cheer sa paboritong team.

Pero paano kung ang team mo ay hirap maka-score na hindi man lang  makadikit sa kalaban sa isang quarter pa lamang na kahit mahaba pa ang oras. Siyempre sa kabilang court ay panay na ang palakpak at talon ng mga fans bilang suporta sa kanilang leading team. Ang ibang supporters ay nagbabago ang atensyon na pumapalakpak na rin sa kalaban. Mahirap nga namang mag-cheer sa talunang team. Mas madaling maghanap ng team na nangangamoy na ang tagumpay. Sino nga bang gustong mag-stick sa talunang team ‘di ba?

Ang nakalulungkot maraming tao ang ganito rin ang mentalidad patungkol sa marriage.

May isang couple na handa  nang tumalon sa tubig at iwan ang kanyang bangka.

Inaakalang madali lamang buhay may asawa. Mas naging madamot sina misis at mister sa isa’t isa na hindi aware ang dalawa. Parehong napagod at dismayado sa talunan nilang team. Walang makitang dahilan kung paano i-cheer at i-boost pa ang kanilang pagsasama.

Pakiramdam na  wala nang natitirang panghahawakan  upang pag-aksayahan pa para mag-cheer ang mag-asawa.

Pero magiging maayos ang lahat kung matutunan ang pagpapakumbaba, magbigay ng oras, at pag-aralan na palakasin muli ang team nina hubby at wiffey. Hindi kailangang tumalon sa tubig kahit may mahirap na pinagdaraanan sa anomang season ang inyong team. Dapat matutunan na lahat ng bagay ay weather-weather lamang na lilipas din ang tag-hirap na panahon.

Kahit obvious sa first quarter pa lamang ay mahirap nang manalo ang iyong basketball team.

Maaaring hindi pa ngayong maging champion sa season game. Hindi sigurado kung kailan makakalamang ng score uli.

Pero win or lose ay mananatiling iwawagayway na susuportahan ang colour ng kanyang team.

Kamusta nga ba ang team ninyong mag-asawa ngayong season? Nanalo o natatalo, o pareho lang ang nararanasan? Bakit hindi kausapin ang teammate kung ano ang dapat gawin sa inyong buhay mag-asawa na magkaroon ng team work at ibigay best effort para manalo ngayon.

Show comments