Nanay sumama sa kalaguyo

Dear Vanezza,

Naghiwalay sina tatay at nanay. Ang malungkot ay sumama sa ibang lalaki ang nanay ko. Hindi ko masagot ang tanong ng bunso namin kapag hinahanap niya si nanay. Gusto ko nang sabihin ang totoo para hindi na nagsisinungaling si tatay. Ano ba gagawin ko? – Basil

Dear Basil,

Mahirap naman ang sitwasyon ay dapat maging matatag ka. Hayaan si tatay ang magsabi kung nasaan si nanay. O hayaan na lang ang sitwasyon na tiyak ay mala­laman din ng kapatid mo. Ang importante ay suportahan ang kapatid at si tatay sa problema ng iyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments