Dear Vanezza,
Panganay ako at paborito sa amin, pero hanggang maging lima na ang mga kapatid ko. Hindi na ako mahal at pinapansin ng magulang ko. Tinamad na akong pumasok sa school. Pag-uwi ko ng bahay lasing si tatay at kinalbo ko at pinalayas ako ni tatay. Apat na taon na akong hindi umuuwi. Ngayon ay may malubhang sakit daw si tatay na gusto akong makita. Pero ayaw ko nang makita ang tatay ko. Ano po gagawin ko? - Maricar
Dear Maricar,
Samantalahin ang pagkakataon hanggang puwede pang makausap at makita si tatay. Baka magsisi ka sa huli na hindi na mayakap ang iyong tatay. Maaaring hindi mo pa siya mapatawad, pero maaaring ito ang paraan ni tatay na humingi siya ng patawad sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza