Napakaraming eskinita sa buong mundo na kilala sa pagiging mahaba, maiksi, masikip, at malawak.
Ganunpaman, isang street sa Prague, Czech Republic ang kilala dahil bukod sa pagiging makitid nito, may traffic light pa.
Matatagpuan ang eskinitang ito sa Mala Strana. Meron itong haba na 32 feet at kitid na 19 inches.
Ang dalawang traffic light dito ay nakakabit sa magkabilang dulo. Inilagay ito para malaman ng mga taong dadaan dito kung may dumadaan pa roon o wala na.
Alam naman natin na ang traffic lights ay makikita lamang sa mga pedestrian at highways, pero dahil sa kakaibang paggamit nito ngayon, naka-attract ang lugar ng maraming travelers at turista.
Enjoy na enjoy ang mga nagpupunta rito sa pagkuha ng picture habang nilalakad ang eskinita, siyempre hindi maiiwasang mapuno ito ng tao dahil nga dinadayo na ito, kaya naman ang mga nandoon ay nagkakabanggaan.
Worth it ang pagbisita sa Mala Strana habang ine-explore ang magandang lugar ng Prague.