Sa paglilinis ng kabahayanan hindi kailangang gawin lahat sa isang araw.
Ang tendency ay mapapagod o mai-stress dahil parang hindi nauubos ang trabaho sa kalilinis.
Mas mainam na dapat ay kasama sa habit ng paglilinis ng bahay ang lahat ng miyembro ng pamilya pati ang mga bata para makasanayan nilang gawin ito.
Ang mga gamit o bagay na dapat linisin o ligpitin araw-araw ay ang higaan, coffee maker, pinggan, pagpupunas sa silya, toilet, at kahit ang paglalaba hanggang maaari.
Samantalang lingguhan naman ang pagpapalit ng beddings, pagpupunas ng salamin o alikabok sa mga kasangkapan, linisin ang buong bathroom, paglilinis ng refrigerator at itapon lahat ng lumang pagkain, paglilinis sa appliances ng kusina, loob ng microwave, at iba pa.
Buwanan naman dapat linisin ang mga blinds, dishwasher at washing machine, itapon ang lamang basura na nasipsip ng vacuum cleaner, vents, pag-aagiw ng sapot, at iba pa.
Gawing organize ang paglilinis para hindi kainin ang iyong buong oras.