Mas nakikilala na ngayon ang chia seeds dahil sa rami ng benepisyo nito sa katawan.
Ang chia seeds ay nagtataglay ng limang beses na mas maraming calcium kaysa sa gatas, seven times na mas maraming vitamin C, three times na mas maraming iron kesa spinach, at doble ng potassium content kaysa saging.
Ang pinakamatindi, eight times na mas marami ang taglay nitong omega 3 kesa sa salmon. Bukod diyan ay nakatutulong ito sa energy at stamina. Nakakalakas din ito ng immune system.
Kahit sa mga may problema sa timbang ay nakatutulong din ito dahil nakakapayat ang pagkain ng chia seeds. Inilalagay nito sa ayos ang blood sugar levels at nakalilinis ng colon.
Maaaari itong ihalo sa oat meal at masarap din kapag hinalo sa mga inumin. Bukod sa sago, ito ang inilalagay sa milk tea ng mga umiiwas sa carbohydrates. Pwede rin itong ilagay sa mga fruit shake. Bago ito ilagay sa inumin o pagkain, mainam kung ibababa muna ito sa tubig para mag-pop. Burp!