Natagpuang wala nang buhay ang babaeng nagngangalang Laura Hurst sa kanyang bahay sa Oxford, Indiana na pagmamay-ari raw ng isang sheriff na isang kolektor ng mga ahas. Ganunpaman, hindi na raw ito doon umuuwi. Pero isang araw daw ay naisipan nitong bisitahin ang kanyang bahay, at doon niya natagpuan si Hurst na nakahandusay sa sahig habang may nakalingkis na sawa sa leeg.
140 na ahas ang tinatayang kasama ni Hurst sa loob ng bahay. Ang 20 daw sa mga ito ay kumpirmadong mga alaga niya.
Habang nasa proseso pa ang autopsy, may hinala na sila sa kinahinatnan ng babae.
“She appears to have been strangled by the snake. We do not know that for a fact until after the autopsy.”
Ayon sa abogado ni Hurts, mahal na mahal daw nito ang mga alaga niyang ahas, nakalista pa nga ito bilang isa sa kanyang possessions.
Ang reticulated python ay kadalasang makikita lamang sa South at South-East Asia. Sa kabila ng pagiging longest snake in the world, ginagawa pa rin silang mga alaga.
Isa rin sila sa mga mabibigat na ahas pero wala namang kamandag.
Maraming tao na rin ang napatay ng mga ahas, at atleast dalawang tao ang nababalitang kinain ng mga ito.