Stress bilang alarm reaction

Ang mawalan ng mahal sa buhay ay nagpapalumok sa sitwasyon ng kahit kanino. Hindi alam ng karamihan, ito ay hindi lang nakakaapekto emotionally kundi pati physically.

Ito ay nagreresulta ng stress at ang ganitong emosyon ay nagbibigay ng matinding salot sa ating katawan. Kung mayroong physical na sakit bago pumanaw ang namatay na loved one, posibleng lumubha ang naturang kalagayan. Puwede rin ang dating sakit ay bumalik o ma-trigger.

Nagkakaroon din ng karaniwang sakit na pananakit ng lalamunan o ibang infection. Ang ibang sakit ay konektado sa stress na bunga nang matinding  pagdadalamhati.

Ang koneksyon sa pagitan ng isipan at katawan ay hindi laging nalalaman, pero maraming scientific na ebidensya na naiisip at nararamdaman ng sistema ng katawan.

Ang stress ay nangyayari bilang alarm reaction na dinadala ng brain na nagsisignal sa chemical reaction ng katawan. Saka gagana ang hormone na tinatawag na adrenocorticotrophin bilang proteksyon naman sa katawan na humanda sa isang battle maging ito ay mental na stress o physical na tensyon.

Show comments