Humor na defense mechanism

Ang pagtawa ay isang uri ng reaction ng taong nagdadalamhati minsan upang malampasan ang kalungkutan. Ang humor ay kinokonsiderang ‘mature defense mechanism’ maliban pa sa pagiging magpasensya, magpakumbaba, pagpaparaya, at pagpapatawad.

Ang mature defense mechanism ay ang pag-iisip para ma-enhance ang nararamdamang kontrol o pleasure na epektibong nakatutulong sa komplikadong naiisip o emosyon. Tulad ng kapag nenerbyos, idaan ito sa pagtawa upang mailabas ang tension, takot, at feeling na nahihiya. Kapag nenerbyos, ang humor o pagtawa ang instinct na tugon na panlaban sa stressful o masaklap na karanasan. Ang humor gaya ng jokes ay proteksyon din upang mabawasan ang takot. Ang pagngiti o pagtawa ay signal na okey na ang indibidwal kahit mayroong pinagdaraanan ang indibidwal.

Show comments