Hindi dapat sinasakripisyo ang dekadang taon o higit pa ng overseas Filipino workers ang kanilang oras, panahon at buhay sa ibang bansa.
Para lamang matupad ang maraming bagay na pinagpipilitang mangyari para sa pamilya.
Hindi masama ang magkaroon ng sariling bahay, sasakyan, makatapos ng pag-aaral ang mga anak, at iba pang bagay.
Importante na turuan din ang ibang miyembro ng pamilya na sila rin ay maging masinop sa pera.
Kailangan din na hatiin ang responsibilidad para sa kapakanan ng buong pamilya.
Siguraduhin ang plano ay malinaw sa lahat ng miyembro kahit maging sa mga bata.
Ang komunikasyon ay mahalaga upang maintindihan ng pamilya na ang OFW ay hindi ATM na tagabigay lamang ng pera. Kapag wala nang sibli ay saka lang papauwiin sa Pinas.