BF na Ikakasal, namamangka sa dalawang Ilog

Dear Vanezza,

Ikakasal na kami ng GF ko ngayong December, pero nagkita kami ng first love ko na galing Florida na divorced na sa kanyang mister. Nabuhay ang feelings namin sa isa’t isa. Na-enjoy ko muli ang company niya habang nagbabakasyon siya rito sa bansa. Gusto niya ay magsama kami sa U.S. Hindi ko maipagtapat sa kanya na ikakasal na ako dahil ayaw ko siyang masaktan. Pero mahal ko rin ang GF ko. Ano ba ang gagawin ko? - James

Dear James,

Dapat ay ipinagtapat mo na ikakasal ka na. Sabihin nang deretso upang hindi na umasa sa iyo ang first GF mo. Huwag na siyang paasahin pa kung totoong mahal mo ang papakasalan mong nobya. Huwag maging unfair sa damdamin ng iba. Pag-isipan mabuti kung sino ba ang mas matimbang. Magdesisyon agad na huwag nang patagalin na paglaruan ang damdamin ng dalawang babaeng mahal mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments