Papalapit na ang Pasko at dahil “ber months” na ay lumalamig na naman ang panahon. Sa mga panahong ito mas masarap ang may katabi sa kama.
Pero paano kung ayaw ni mister o ni misis na mag-loving-loving sa gabi dahil sa pagod o pagkawala sa mood?
Narito ang ilang mga pagkain na kino-consider na “aphrodisiac”.
Ang strawberry ay isang magandang source ng folic acid, B vitamin na nakatutulong para mawala ang birth defects sa kababaihan. Ayon din sa pag-aaral ng Berkley University sa California, nakakataas ito ng sperm count sa mga kalalakihan.
Kaya mabenta ang mga chocolate-coated strawberries dahil bukod sa ang dark chocolate na puno ng libido-boosting, maganda rin sa sex life ang prutas na ito.
Ang watermelon naman ay sagana sa citrullin na makatutulong upang ma-relax at ma-dilate ang blood vessels tulad ng Viagra at iba pang gamot na nakatutulong sa erectile disfunction.
Samantala, matagal nang usap-usapan na aphrodisiac din ang talaba. “Oysters contain high amounts of zinc, a mineral important in production of testosterone, sperm production, and immune function,” sabi ni Diana Hope, isang doctor na nagsulat ng librong Healthy Sex Drive, Healthy You: What Your Libido Reveals About Your Life.