Endometriosis

Ang mga Obstetrician-gynecologists (OB-GYNs) ang mga doctor nagbibigay ng treatment para sa endometriosis.

Puwedeng magsuspetsa kung may endometriosis base sa sintomas ng pananakit ng pelvis at base sa resulta ng physical examination.

Sa pamamagitan ng rectovaginal exam (isang daliri sa vagina at isa sa rectum o puwet), makakapa ng doctor ang nodules (endometrial implants) sa likod ng uterus o matres sa mga ligaments na nakakabit sa pelvic wall. Minsan walang nakakapang nodules ngunit may nararamdamang masakit kapag ineeksamen.

Gayunpaman, hindi reliable ang physical exam at mga sintomas para makumpirma ang endometriosis.

Mangangailangan ng ultrasound para makumpirma ang endometriosis sa vaginal at bladder (pantog) areas, ngunit hindi pa rin ito kongkreto para ma-diagnose ang endometriosis. Para sa accurate diagnosis, kailangang makita ang pelvis at abdomen sa loob sa papamagitan ng laparoscopy o laparotomy.  (www.medicinenet.com)

Show comments