Dear Vanezza,
Pinatawag ako sa school ng teacher dahil nahuli nila ang anak ko na nangunguha ng gamit o pera na hindi sa kanya. Tinanong ko ang anak ko kung totoo at kung bakit niya ito ginagawa. Naiinggit daw siya sa mga classmates niya na mayroong mga gamit. Samantalang hindi naman ako nagkulang ng pangaral sa anak ko. Paano ko ba didisiplinahin ang anak ko? – Nanay Neng
Dear Nanay Neng,
Turuan ang anak na matutong makuntento kung anong meron siya. Bigyan din siya ng sapat na pera na kanyang iba-budget. Hayaan na maging open na magsabi ang anak kung mayroon siyang gustong bilhin. Patawarin ang anak, pero huwag kalimutan na bigyan ng aksyon ang maling nagawa. Gabayan ang anak ng hindi ito maligaw ng landas.
Sumasainyo,
Vanezza