Kung kailan rainy season ay saka lamang nakikita ang mga tulo lalo na sa kisame. Ang bubong ay importante upang maprotektahan sa mga mapinsalang elemento gaya nga ng ulan. Ang kisame ang isa sa bahagi rin ng bahay na mahal at maraming kailangang i-repair. Depende pa sa materyales na gagamitin at kung magkano ang bayad sa labor.
Normal sa mga Pinoy na hindi masyadong binibigyan ng tuon ang atensyon sa kisame. Kalaunan ay nagiging malaking problema na mas napapagastos sa pagre-repair.
Upang maiwasan na mapagastos sa kisame, i-check at least dalawang beses sa isang taon. Ang pag-hire sa expert na karpintero ay ideal na option, pero puwede rin ang miyembro ng pamilya na nakakaintindi na i-check ang maintenance ng bubong at kisame. Siguraduhin na walang tulo ang bubong at kisame ng bahay bago pa ang tag-ulan. Gumamit ng matapang na adhesive upang tapalan ang butas sa tabi ng pako sa bubong.
Mainam na gumamit ng metal roof para hindi mahirap mahanap ang butas upang mai-spot ang tulo. Para masigurado na walang leak ang bubong, mag-hire ng roofer na gagawin ang trabaho.